2005 Dalawang Tula

I.  

Napakaganda mo.
Walang dayuhang maihahalintulad sa 'yo;
ngunit bakit parang gusto mong pumangit at ginagaya mo sila?
Nagsawa ka na ba sa mabango at malinis?
Wala na bang kababayang naaakit sa iyo?
Marahil ay sawa na rin sila sa maganda.
Kailan pa ba ito nagsimula?
Kanino mo yan narinig?
May magagawa pa ba ako?

--------------------------------------------------------------------------
II.  

Salamat, Elena, sa ningning ng pag-asa.
Sana'y huwag mong dibdibin ang mali kong nasambit.
Ako rin ay sumasabit;
ngunit handang bawiin ang mga salita at nagawa,
mapigilan lang ang iyong luha, at ang sa akin.

No comments

Thanks for respecting other readers.

Copyright © 2005-2013 - voyageR-3 - All Rights Reserved. Powered by Blogger.