Chicken Toolbox Meeting


Morning toolbox meeting...

"Hey guys.  October na.  Naniningil na si boss Nerissa sa pangako kong magsisimula na kayong mangitlog.  Nagkwenta na siya.  Alam niyo naman, pinakamataas ang inflation dito sa Bicol.  Kailangan daw para magbreak-even sa production cost ay dapat at least 4 na itlog sa isang araw ang inyong output.  Pito naman kayo tapos may isang native dun sa kabilang kulungan.  So bahala na kayo mag-usap-usap kung paano diskarte niyo.  Pwede naman siguro alternate kayo.  Apat sa inyo MWF at ang apat naman TThS.  Yung Sunday pwede kayo mag-rest day basta huwag kayo maingay at maririnig kayo sa simbahan."

"Ano?  May bulung-bulungan ng CBA sa grupo?  Bahala kayo.  Hindi naman kami malupit. Pero daanin sana natin sa mabuting usapan.  Lalo na at hindi naman nagbibigay ng Certification Election ang DA. Galingan niyo na lang muna diyan sa pangigitlog at sa ngayon wala pa kayong pang-bargain.  Pasayahin na lang muna natin si Nerissa."

---------------------------------
"O, Nerissa, maaayos meeting kaninang umaga.  Ayos ang PEP talk ko.  Makakaasa ka raw sa kanila. :-)"



One giant egg on the left from a hen who's extremely compliant. :-)




No comments

Thanks for respecting other readers.

Copyright © 2005-2013 - voyageR-3 - All Rights Reserved. Powered by Blogger.